Paano Mo Iuugnay Ang Mga Pansariling Salik Sa Pagpili Ng Kurso Sa Iyong Paghahanda Para Sa Paghahanapbuhay?

paano mo iuugnay ang mga pansariling salik sa pagpili ng kurso sa iyong paghahanda para sa paghahanapbuhay?

Syempre kailangan na maganda ang mapili mong KURSO at dapat ay ayon ito sa mga pansarili mong hilig at kagustuhan dahil hindi mo maeenjoy ang iyong pag-aaral sa kursong hindi mo naman gusto. Isa pa, kapag ang pinili mong kurso ay ayon sa iyong hilig mas malaki ang tyansa na magtagumpay ka at mamaster mo ang kurso iyon dahil gusto-gusto mo ito.

Dahil nasisiyahan ka sa paggawa at pag-aaral ng kursong gusto mo mas malamang na ito din ang mapili mong hanapbuhay sa hinaharap. Kung ganoon ang mangyayari, malaking tulong ang magagawa ng kursong hilig mo. Halimbawa, kung ikaw ay mahilig magluto pwede kang maging cook sa hinaharap o magpatayo pa nga ng isang restaurant. Dahil hilig mo ang pagluluto mas mageejoy ka sa trabaho mo imbis na mapabigatan.

Tulong din ito para maging kasiya-siya ang buhay habang nagtatrabaho dahil mamahalin mo ang trabaho mo.

Kaya nga mas maigi na pumili ka ngayon ng kursong talagang makakahiligan mo, dahil bukod sa ito ang mas malamang na piliin mong trabaho sa hinaharap, maeenjoy mo pa ang trabaho at mamahalin ito.

Tandaan, mahirap magtrabaho ng hindi mo naman hilig o hindi ka interesado sa trabaho mo. Pumili ng kursong praktikal sayo para magamit mo sa pagtatrabaho.


Comments

Popular posts from this blog

Magbigay Ng 5 Halimbawa Ng Sariling Paniniwala

If Ncd Is A Thing Or Event What Would It Be?Why?

Anong Ibig Sabin Ng Focus