Ano Ang Dahilan At Sanhi Ng Unang Digmaan?

Ano ang dahilan at sanhi ng unang digmaan?

Ang Pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigig

  • Ang mga krisis sa Europe bago ang 1914 ay lalong nagpalala sa tensiyon sa pagitan ng Triple Entente at Triple Alliance.
  • Ang Pagpatay ng isang Serb sa Archduke ng Austria-Hungary na si Franz Ferdinand ang nagsilbing mitsa ng pagsiklab ng digmaan.

Explanation about sa sanhi ng unang digmaang pandaigdig:

Bagamat sa mga nakaraang krisis at digmaan ay matagumpay na napigilan ng mga puwersang Kanluranin ang pagsiklab ng digmaang pandaigdig, ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa pagsisimula nito.

Noong Hunyo 28, 1914 pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang asawa nitong si Sophie ni Gavrilo Princip gamit ang pagbaril, habang sila ay naglilibot sa Bosnia na noon ay sakop ng Imperyong Austria-Hungary.

Si Archduke Franz Ferdinand ay nakatakdang humalili sa trono bilang emperador ng Imperyong Austria-Hungary. Popular siya sa hukbong sandatahan ng Austria-Hungary dahil Inspector General siya nito at isinulong niya ang modernisasyon ng militar.

Si Princip at mga kasabwatan nito ay mga Bosnian na sinanay sa Serbia at mga kasapi sa "Black Hand", isang teroristang grupo sa Serbia. Batid din ng ilang mga opisyal ng Serbia ang planong pagpatay subalit wala silang ibinigay na babala sa pamahalaang Austria-Hungary.

For more info:

Mga bunga sa World War 1:

brainly.ph/question/2580860

#AnswerForTrees

#BrainlyBookSmart


Comments

Popular posts from this blog

Magbigay Ng 5 Halimbawa Ng Sariling Paniniwala

Anong Ibig Sabin Ng Focus

Ano Ang Isang Tayutay Sa Kwentong Ibong Adarna