Ano Ang Pinuna Ng Pari ? Kabanata 34 Noli Me Tangere

Ano ang pinuna ng pari ? kabanata 34 noli me tangere

Noli Me Tangere

Kabanata 34: Ang Pananghalian

           Sa kabanatang ito pinuna ni Padre Damaso si Ibarra na nooy lasing na sapagkat matapos ang pananghalian ay nagsimula na silang uminom ng alak. Napansin ng alkalde na panay ang pagpapasaring o pagpaparinig ni Padre Damaso kay Ibarra kaya naman sinikap nito na ibahin ang usapan. Ngunit hindi nagpatinag si Padre Damaso at pinilit ungkatin ang pagkamatay ni Don Rafael Ibarra kaya naman muling nagalit si Ibarra. Nakapikon ito ng husto kaya naman hindi na niya napigilan ang sarili at nasaktan ang kura. Idagdag pa rito, ang paggamit ni Padre Damaso ng kanyang kapangyarihan upang sabihin at gawin ang lahat ng kanyang naisin.

          Kadalasan, ang mga ganitong pag uugali ay nagagawa lamang ng mga makapangyarihan. Sa kabila ng katotohanan na si Padre Damaso ay hindi na ang kura ng bayan ng San Diego pero nagagawa pa rin niya ang kanyang naisin sa bayang ito. Sa lawak at lakas ng impluwensya ni Padre Damaso sa mga tao sa San Diego walang sinuman ang magawang siya ay salungatin. Tanging si Ibarra lamang ang nagpakita ng katapangan at paglaban sa kanya. Kaya naman ang ilan sa mga taga San Diego ay humahanga sa katapangang ipinamalas niya. Maging ang kapitan heneral ay humanga sa adhikain ni Ibarra na ipaghiganti ang sinapit ng namayapang ama na si Don Rafael.  

Read more on

brainly.ph/question/2136203

brainly.ph/question/2114028

brainly.ph/question/2136258


Comments

Popular posts from this blog

Magbigay Ng 5 Halimbawa Ng Sariling Paniniwala

Anong Ibig Sabin Ng Focus

Ano Ang Isang Tayutay Sa Kwentong Ibong Adarna