Ano Ba Ang Aral Na Mapupulot Sa Kabanata 24 Ng Noli Me Tangere/
Ano ba ang aral na mapupulot sa kabanata 24 ng noli me tangere/
Noli Me Tangere
Kabanata 24: Sa Kagubatan
Aral:
Sa kabanatang ito matututunan na ang mga kura ay tulad din ng isang pangkaraniwang tao na merong pagnanasa. Tulad na lamang ng pagnanasa ni Padre Salvi kay Maria Clara. Sa kabila ng katotohanan na si Maria Clara ay kasintahan na ni Ibarra, hindi pa rin siya nilulubayan ni Padre Salvi. Katunayan, natuwa pa ito ng imbitahan ni Ibarra na sumama sa piknik habang si Maria Clara naman ay nakakaramdam na ng pagkailang sa kura. Ang kanyang lihim na pagsunod sa kagubatan at lihim na pagmamanman kay Maria Clara ay bahagi ng kanyang pagnanasa sa dalaga.
Matututunan din sa kabanatang ito na ang mga kura kadalasan ay ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang pasakitan ang iba at ipilit ang kanilang paniniwala. Tulad na lamang ng ginawa ni Padre Salvi sa mga magkakaibigan na naglalaro ng gulong ng kapalaran. Pinunit niya ang aklat sabay sabing kasalanan ang maniwala sa nilalaman ng aklat na iyon. Kung sana ay hinayaan na lamang niya ang mga kabataan sa kanilang paniniwala. Ito ang nais puntuhin ni Rizal, ang pag uugali ng mga prayle na mapaniil at walang respeto sa damdamin at paniniwala ng iba sapagkat batid nila na kahit ano ang kanilang gawin ay hindi sila masusuwata ng mga tao.
Read more on
Comments
Post a Comment