Anong Ibig Sabin Ng Focus
Anong ibig sabin ng focus
Ang FOCUS ay ang pagtutuon ng buong pansin o atensyon sa isang sitwasyon o pangyayari.
Ang atensyong ito ay kailangan kapag dapat mong maintindihang mabuti ang isang bagay, masuri ito at mapag-aralan itong mabuti. Mahalaga ito kapag ikaw ay nakikinig sa isang nagsasalita para maintindihan mo ang kaniyang sinasabi at maayos ang iyong maisagot. Kailangan din ito kapag gagawa ka ng isang proyekto o magtatrabaho ka, dahil ito ay makatutulong sa isa na magampanan niyang mabuti ang kaniyang gawain.
Kapag ang isa ay focus sa isang bagay, hindi niya tinitingnan ang mga bagay na pwedeng magalis ng kaniyang konsentrasyon sa halip talagang buo ang kaniyang pansin sa kaniyang pinapakinggan o ginagawa. Isa pa, kung ang isa ay may tunguhin, oras man ito o gawain talagang gumagawa siya ng mga paraan para matapos ito at talagang nakapokus siya ng patuloyan sa paggawa nito hanggang sa punto na lubusan niya itong magawa ng maayos.
Hindi madali ang magpokus lalo na ngayon na maraming problema at gambala para matapos mo ang iyong gawain. Pero sigurado namang sulit ang pagsisikap na magawa ito. Mas madaling magingpokus kapag nasa tahimik at maaliwalas na lugar bago mo umpisahan ang isang gawain. Makikita mo ang magagandang resulta kapag nakafokus ka sa pakikinig at sa paggawa.
Comments
Post a Comment